Wednesday, February 3, 2010

02-04-10

...may kaklase akong sira sa "S" subukan mo 'to sa way na utal ka rin sa "S"
MS. CRUZ WANTS TO SHOW PHOTOS IN HER SOCIAL STUDIES CLASS BUT THE PICTURES ARE SMALL.
...hindi ko alam tuloy kung tatawa ba ako o maaawa ako sa kanya.

01-31-10

...pansin ko tuwing kabilugan ng buwan nangangati ang ilong ko! hindi ko naman alam ang dahilan, hindi ko alam kung may nag-iisip ba sa akin at kung meron man mapapaslang ko s'ya (feeling?) o talaga lang marumi ang paligid ko o ako mismo. kabadtrip tuloy at naging dahilan pa yun kaya hindi ako nakapanuod ng PBB at nakapagbasa ng PT para sa exam bukas.
...nadeds si Tyrone hay! (see RIP in dekalogo I)

Thursday, January 28, 2010

01-29-10

...minsan na akong nabitlog sa major ko, paano naman kasi ang dami-daming pangalan hindi naman kami close hay stress
...aaminin kong nahihirapan akong pakisamahan ang mga mates ko may mga atat at ubod ng yabang. Tanong naman ng tanong ng mga eeksam hay kaya pagkatapos ng klase ko alis agad ako ng room

Wednesday, January 27, 2010

01-28-10

...dumating ang panot para magpalapad ng papel at hindi ng noo. hindi ako nanood dahil wala naman akong pakialam sa kanila kahit magbigti pa s'ya sa harap ko.
...natutuwa ako pero hindi ko alam kung bakit. tungkol yun sa sinabi ng isa kong kaklase noong first year. ayon sa kanya nakasabay daw n'ya ang variables ko. kapal naman noon para sabihin na dahil sa kanya kaya ako ay hindi na naimik ano ako di-susi? pwede ba! magkaganun pa man masaya pa rin ako
...hindi ko alam kung pasadya o nagkataon lang ang tatlong kulay sa pader namin; ponkan, dilaw at berde.
ponkan----manny
dilaw-------noynoy
berde------gibo
...sa tingin n'yo pasadya kaya yun o nagkataon lang talaga? sa tingin ko balimbing ang gusaling yun para kahit sinong pumunta sa lugar na yun at ayos lang sa kandidato
HIRIT: SANA YUNG PAMAYPAY NA IPINAMIGAY KANINA AY MAGING AIRCON NA LANG NG ROOM DI BA? HINDI YUNG PURO PACUTE!!!